Sa Christmas message ng presidente, sinabi nito na maging giya sana ng bawat Filipino ang mga turo ni Hesukristo para maisabuhay ang ideya ng shared humanity.
Ayon sa pangulo, sa ganitong paraan ay masayang sasalubungin ng mga Filipino ang Bagong Taon na puno ng pag-asa at positibong pananaw sa buhay.
Hindi lamang aniya ang kapanganakan ni Hesukristo ang ginugunita tuwing Pasko kundi naging pagkakataon na rin ito na magkasama-sama ang pamilya, kaibigan at iba pa mapa-Kristyano man o hindi at maging ang mga naniniwala at hindi naniniwala sa Panginoon.
MOST READ
LATEST STORIES