Pilipinas at Chile kapwa lumagda sa isang free trade agreement

Chile-PNoy
Malacanang Photo

Lumagda sa isang free trade agreement ang Pilipinas at Chile na naglalayong lalo pang magpatatag sa 70-years ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Sinaksihan nina Pangulong Noynoy Aquino at Chilean President Michelle Bachelet ang nasabing Memorandum of Understanding na nilagdaan nina Trade Sec. Gregory Domingo at Chilean Foreign Minister Heraldo Muños sa seremonya na ginanap sa Malacanang.

Nagkasundo rin ang Pamahalaan ng Pilipinas at Chile sa pagpapalitan ng kaalaman sa disaster management at rice production.

Sa kanyang pahayag, sinabi rin ni President Bachelet na tutulong ang kanyang bansa sa mining industry ng Pilipinas.

Kasalukuyang nasa bansa si Bachelet para sa makasaysayang State Visit na susundan naman ng kanyang pagdalo sa APEC leaders’meeting kasama ang iba pang economic leaders.

Si Bachelet ang siyang kauna-unahang babaeng Pangulo ng Chile at kauna-unahan din sa kasaysayan ng bansa na nahalal sa dalawang magkasunod na termino.

Read more...