Labi ni Rep. Batocabe, hindi na dadalhin sa Kamara

Photo credit: Justin Batocabe

Inalis na ng liderato ng Kamara ang posibilidad na pagdadala sa labi ng pinaslang na si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., magkakaroon na lamang ng memorial service sa Kamara sa January 14 ng susunod na taon.

Nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan si Batocabe sa Daraga, Albay sa umaga December 31, 2018.

Nauna rito, sinabi ng liderato ng Kamara na inaayos nila ang posibleng pagdadala sa labi ng yumaong kongresista sa Mababang Kapulungan.

Nananatili namang nakalagak ang labi ni Batocabe sa Arcilla Hall ng Bicol University sa kanyang bayan sa Daraga, Albay.

Samantala, nasa mahigit P30 million na ang nakalaang patong sa ulo sa makapagtuturo sa suspek at mastermind sa pagpatay sa mambabatas at sa security escort nito.

 

Read more...