LOOK: Pang. Duterte, nag-Noche Buena kasama ang pamilya sa Davao City

 

Simple lamang ang naging pagdiriwang ng Pasko ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang pamilya sa Davao City.

Base sa Facebook Page ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, makikita ang kanyang ama na kasama sa Noche Buena ang dating asawang si Elizabeth Zimmerman.

Gayundin ang kanilang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Baste Duterte at mga apo at mga in-law.

Nakasaad pa sa post ng dating bise alkalde na mula sa kanilang pamilya, maraming salamat at maligayang Pasko sa lahat.

Ilan sa mga nakahanda sa hapag ng pamilya Duterte ay ang lechon, mga hipon at isda at ilang mga prutas.

Matatandaang kamakalawa lamang, binisita ni Pangulong Dutrete ang mga batang may sakit sa isang ospital sa Davao City.

Read more...