System downtime ng Cebu Pacific naayos na; pero Piso/Seat Sale nananatiling suspendido

Naibalik na sa normal ang online system ng Cebu Pacific matapos na magkaproblema bago mag-tanghalin kahapon.

Ayon sa Cebu Pacific, alas 5:30 ng hapon kahapon ay naibalik na ang proseso ng kanilang booking channels, online check-in at airport operations.

Maari na anilang magbook ng flights ang mga pasahero gamit ang online channels at i-manage ang kanilang existing bookings sa online.

Nananatili namang suspendido ang kanilang Piso Seat Sale.

Kahapon ay nakaranas ng system downtime ang Cebu Pacific at humingi ito ng paumanhin sa mga pasahero.

Read more...