LPA na binabantayan ng PAGASA papasok sa bansa, posibleng maging ganap na bagyo

Apektado pa rin ng Amihan ang buong Luzon habang isang Low Pressure Area sa labas ng bansa ang patuloy na binabantayan ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,060 kilometers East ng Mindanao.

Ayon kay Pagasa Weather Specialist Raymond Ordinario, ang nasabing LPA ay papasok sa bansa ngayong araw hanggang bukas ng madaling araw.

Maari din itong maging isang ganap na bagyo.

Para sa lagay ng panahon ngayong araw, ang Batanes at Babuyan Group of Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Ang Central Luzon naman at nalalabi pang bahagi ng Northern Luzon ay makararanas lang ng mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Habang sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon magiging maaliwalas na ang panahon.

Sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region gayundin sa lalawigan ng Palawan makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa extension ng LPA.

Read more...