Binigyan ng tradisyunal na welcome honors sa Malakanyang si President Michelle Bachelet ng Republic of Chile.
Ang nasabing welcome honors ay sinundan ng state luncheon.
Si President Bachelet ang unang Chilean head of state na bumisita sa Pilipinas. Ito ay para sa kaniyang pagdalo sa APEC Leaders Meeting.
Si Bachelet ay dumating sa bansa kahapon kasama ang kaniyang entourage na pawang mga Cabinet members at business delegation.
Ang Pilipinas ay nag-eexport ng tropical fruits at iba pang agricultural products, maging ng mga electronics, furniture at handicraft products Sa Chile.
Habang ang Chile naman ay nagsu-supply ng copper at wine sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES