May rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas ng umaga.
Unang nag-anunsyo ang kumpanyang Shell na magbabawas ng presyo sa kanilang produktong petrolyo mula alas 6:00 ng umaga bukas, November 17.
Sa abiso ng Shell, ipatutupad nila bukas nag kaltas na 0.40 sa kada litro ng Gasolina, 0.45 sa kada litro ng Kerosene at 0.30 sa kada litro ng Diesel.
Inaasahang ngayong maghapon ay mag-aanunsyo rin ng kanilang rollback ang iba pang kumpanya ng langis.
MOST READ
LATEST STORIES