Pamilya ni Rep. Batocabe nanatiling tinitingan ang pagtakbo sa mayoralty race sa Daraga, Albay

Facebook photo

Matapos ang pagpatay kay AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na kandidato sa pagka-mayor sa Daraga, Albay,
patuloy na tinitingnan ng pamilya ng nito ang mayoralty race sa 2019 elections.

Ayon sa anak ni Batocabe na si Justin, ay hindi pa pinal ito ngunit may isang Batocabe na tatakbo bilang mayor.

Aniya kanilang ipagpapatuloy ang mga adhikain ng kanilang ama.

Dagdag pa ng nakakabatang Batocabe ay pag-iisipan ng maigi ng kanilang pamilya kung sino ang papalit sa yumao
nilang ama.

Ayon sa Comelec, ang pagpapalit ng kandidato ay pinapayagan hanggang sa tanghali ng araw ng eleksiyon sa May 13
basta ang hahalili ay kaapelyido ng papalitang kandidato.

Matatandaang noong Sabado ay pinagbabaril si Batocabe ng hindi pa nakilalang mga suspek habang nagbibigay ng
mga regalo.

Read more...