Peace and order sa bansa nananatiling maayos – PNP

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde na nananatiling maayos ang peace and order sa bansa bagaman mayroong mga insidente ng pamamaslang sa mga pulitiko.

Paliwanag ni Albayalde, mula October 1 hanggang December 23, nasa 23 hanggang 26 lamang na mga pamamaslang na may kinalaman sa eleksyon ang naitala ng pulisya.

Kung ikukumpara aniya ang naturang bilang lalo na mula January hanggang May 8 bago ang 2016 national elections ay mas mababa ito, dahil 42 ang naitala noon.

Iginiit ng opisyal na hindi magpapabaya ang pulisya bagaman mababa ang bilang ng election-related killings.

Aniya pa, kung siya ang masusunod, hindi nila nanaising magkaroon ng anumang patayan.

Read more...