Sa press briefing matapos ang gift-giving program sa Malate, Maynila, sinabi ni Albayalde na ipinag-utos na niya sa lahat ng mga pulis sa buong bansa ang pag-secure sa lahat ng events na dadaluhan ng mga pulitiko.
Paliwanag pa ng pinuno ng Pambansang Pulisya, hindi na kailangan ng request mula sa mga pulitiko para bantayan ng mga otoridad ang kanilang dadaluhan.
Aniya, hindi lamang ang mismong pulitiko ang kailangang bantayan ng mga pulis mula sa anumang banta, ngunit maging ang lahat ng mga taong dadalo.
Sinabi pa ni Albayalde na marami sa mga pulis ang umiiwas na magbantay sa mga political events dahil sa takot na
matawag na partisan.