Anti-APEC protesters nagmartsa patungong Korte Suprema


 

Nagmamartsa na mula sa bahagi ng Plaza Salamanca sa Kalaw, Maynila ang nasa higit 500 mga militante at anti-APEC rallyists.

Nakarating sa bahagi ng Korte Suprema sa Padre Faura sa Maynila ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Ikinagulat naman ng mga miyembro ng Civil Disturbance Management Unit ang pagdating ng mga nagra-rally.

Hindi naman pumayag ang mga pulis na magawa ng mga raliyista na i-occupy ang harapan ng Supreme Court Building.

Kuha ni Ruel Perez

Nagkakaisa ang iba’t-ibang militanteng grupo sa pagkondena sa umanoy magarbong paghahanda para sa APEC 2015 na sana ay inilaan na lamang para makapagbigay ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo sa mga mamamayan.

Paliwanag ng mga militante, sa 19 na taon na umano na lumipas matapos ang unang hosting ng Pilipinas ng APEC noong 1996 pero wala namang napala ang mga mamamayan at pawang mga negosyante lang umano ang nakinabang.

Read more...