Pinay, wagi sa The X Factor Romania

Screengrab from YouTube/Show LIVE

Itinanghal na panalo ang pinay na si Bella Santiago sa The X Factor Romania.

Nagawang matalo ni Santiago ang apat pang ibang finalist sa sikat na music competition sa naturang bansa.

Ang mga kanta ng American singer na si Beyonce na ang ‘Love On Top’ at ‘Crazy In Love’ ang ibinirit ni Santiago sa
kompetisyon.

Napabilib na ni Santiago ang judges sa kanyang version ng sikat na kanta na ‘Bang Bang’ nina Jessie J, Ariana Grande
and Nicki Minaj.

Una ng sumali si Santiago sa “It’s Showtime” noong 2016.

Read more...