Bayan sa Negros Oriental niyanig ng Ms 4.9 na lindol

Tumama ang isang magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng Tayasan sa lalawigan ng Negros Oriental.

Naganap ang pagyanig alas-10:43 ng gabi ng bisperas ng Pasko.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 10 kilometro timog-silangan ng Tayasan.

May lalim lamang ito na anim na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Sa abiso ng PHIVOLCS, naitala ang Intensity IV sa mga bayan ng Ayungon at Manjuyod, Intensity III sa La Libertad at Tayasan, at Intensity II sa Guihulngan City na lahat ay nasa lalawigan ng Negros Oriental.

Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Bago City, Cebu City, La Carlota City, at Sibulan, Negros Oriental.

Wala namang inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian o aftershocks ang naturang lindol.

Read more...