Ilan pang kumpanya ng langis, may rollback ngayong araw ng Pasko

Ilan pang mga kumpanya ng langis ang may bawas presyo ngayong araw ng Kapaskuhan.

May rollback ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Petron Corp at Eastern Petroleum Corp. na P1.00 sa kanilang gasolina at P1.00 din sa diesel.

Ang Caltex at Petron ay may tapyas din na P1.00 sa kanilang kerosene.

Kaninang 12:01 ng umaga ay epektibo na ang rollback sa Caltex at Eastern Petroleum habang mamaya pang alas sais ng umaga ang bawas presyo ng Petron.

Una nang nag-anunsyo ng iba pang mga kumpanya ng langis noong weekend.

Read more...