Party-list na may kaugnayan sa CPP-NPA, huwag iboto – Malakanyang

Pinayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga botante na huwag nang iboto sa nalalapit na eleksyon ang mga partylist na konektado sa Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA).

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar, makailang beses nang nag alok ng kapayapaan si Pangulong Rodrigo Duterte subalit binalewala lamang ng komunistang grupo.

Kapag hindi na aniya nailuklok sa pwesto ang mga kinatawan ng partylist na konektado sa komunistang grupo, maipapakita na ng taong bayan ang suporta sa pamahalaan.

Kahit paulit-ulit pa aniya ang pakikipagbati ng pamahalaan patuloy na inaatake ng komunistang grupo ang mga sundalo at pulis.

Matatandaang sa pinakahuling talumpati ng pangulo, sinabi nito na hindi na maaawa ang gobyerno sa komunistang grupo at pupulbusin na ang mga kalaban ng estado.

Read more...