DepEd: Mas mabigat na parusa pwedeng ibigay sa bully na Ateneo student

Inquirer file photo

Ang dismissal decision ng pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) ay pwede pang mabago ayon sa obserbasyon ni Education Sec. Leonor Briones.

Ito ay kaugnay sa kaso ng junior high school student na nakunan ng video habang nananakit ng kanyang mga kapwa estiudyante.

Kung may pangangailangan ay pwede naming isalang sa review ang desisyon ng Ateneo sa reklamo ayon sa kalihim.

Gayunman base sa kanilang karanasan ay kadalasang nagkakasundo umano ang magkabilang partido kapag naglabas na ng desisyon ang isang paaralan lalo na sa mga kaso ng pambu-bully.

Nilinaw rin ng kalihim na pwedeng umakyat ang hatol sa expulsion imbes na dismissal lamang na siyang ibinabang desisyon ng Ateneo.

Kapag dismissal ang hatol ay tanggap lamang siya sa Ateneo at pwedeng lumipat lamang sa ibang paaralan.

Sinabi ni Briones na batay sa DepEd manual, ang mga nabigyan ng parusang expulsion ay hindi na pwedeng tanggapin kahit na saang pribado o pampublikong paaralan sa bansa base sa bigat ng kanilang ginawang kasalanan.

Read more...