P735-B na Bulacan International Airport project aprubado na ng NEDA

Binigyan na ng go signal ng National Economic and Development Authority (NEDA) ng ang negotiation report ng Concession Agreement (CA) para saP735 Billion Bulacan International Airport project.

Inaprubahan ng NEDA ang nasabing proyekto na bahagi ng Public-Private-Partnership ng pamahalaan noong December 21 ayon sa kanilang inilabas na ulat.

Ang nasabing proyekto na pamamahalaan ng San Miguel Corporation infrastructure unit ay kapapalooban ng pagtatayo at pagmamantine ng 2,300-hectare na lupain na matatagpuan sa duong bahagi ng Bulacan, Bulacan.

Doon itatayo ang isang world-class airport facilities na kapapalooban ng terminals at airline hub.

Ipinaliwanag rin ng NEDA na walang government guarantee na inisyu para sa nasabing malaking proyekto,

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na malaking tulong sa sambayanan ang nasabing proyekto na magbibigay daan rin sa dagdag na trabaho mula sa konstruksyon hanggang sa pagbubukas ng operasyon nito.

Isasalang na lamang sa final review ng Solicitor General ang laman ng Concession Agreement at kapag ito ay binigyan na ng approval ay kaagad na isasapubliko ang laman ng kasunduan para sa tinatawag na “swiss challenge”.

Sa pamamagitan ng swiss challenge ay mabibigyan ng pagkakataon ang ilang interesadong partido na tapatan ang nasabing kasunduan ng kahalintulad na proyekto pero dapat ay mas maging kapapaki-pakinabang sa gobyerno.

Read more...