Cebu Pacific nakararanas ng problema sa kanilang online system; operasyon apektado

Nakararanas ngayon ng system downtime ang Cebu Pacific.

Sa abiso ng Cebu Pacific na ipinost sa kanilang Facebook page at Twitter nagsimula ang problema kaninang alas 11:45 ng umaga.

Ayon sa Cebu Pacific ang problema sa kanilang system ay nakaaapekto sa kanilang booking channels, online check-in at airport operations.

Sa ngayon sinabi ng Cebu Pacific na ginagawan na nila ito ng paraan upang maibalik sa normal ang sistema.

Habang nararanasan ang system downtime, tiniyak ng airline company na inaasistihan ng kanilang airport staff ang mga apektadong pasahero.

Humingi rin ng paumanhin ang Cebu Pacific sa abalang idinulot ng pangyayari.

Read more...