Lubang, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Lubang sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa 78 kilometers Northwest sa bayan ng Lubang.

Naganap ang lindol alas 11:23 ng umaga ng Lunes, Dec. 24.

May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

Read more...