Dahil dito, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Sakop ng yellow warning level na inilabas ng PAGASA alas 10:30 ng umaga ang Dinagat Islands, Surigao Del Norte, Siargao Islands, Surigao Del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley, at mga bayan ng Rosario, Bunawan at Trento sa Agusan Del Sur.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha at landslides sa mga apektadong lugar.
Ang LPA na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa 325 kilometers west northwest ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Habang ang isa pang LPA na nasa labas pa ng bansa ay huling namataan sa 1,270 kilometers east ng Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES