Ito ay makaraang walang makapagsumite ng permit sa lokal na pamahalaan upang patunayan na sila ay otorisadong makapagtinda ng paputok.
Ayon kay Supt. Melchor Agusain, hepe ng Rodriguez police station, bago makapagbenta ng paputok, dapat ay mayroong permit mula sa Firearms and Explosives Office ng PNP Camp Crame bago makapagtinda.
Dahil dito, lahat ng klase ng paputok, ipinagbabawal man o hindi ay hindi pwedeng ibenta sa buong bayan.
Ang mahuhuling nagtitinda ay kukumpiskahin ang produkto at papatawan ng karampatang multa.
Hinikayat din ang publiko na magsumbong sa pulisya kung may makikitang lumalabag at nagbebenta ng paputok.
READ NEXT
Batang nam-bully ng mga kapwa estudyante sa Ateneo, pinapa-ban sa Philippine Taekwondo Association
MOST READ
LATEST STORIES