Sa rekomendasyon ng komite hiniling nito sa PTA na i-ban ang nasabing estudyante sa lahat ng sanctioned events na may kaugnayan sa Taekwondo.
Kabilang dito ang mga Taekwondo-related events, belt promotions, tournaments o mga pasilidad ng member institutions.
Ayon kay PTA President Robert Aventajado, effective immediately ang rekomendasyon ng komite na nag-imbestiga sa naturang viral video.
Inirekomenda rin na maisailalim sa counseling ang batang sangkot kung nais pa nito o kaniyang pamilya na mai-reinstate sa PTA.
Ani Aventajado, layunin nito na magawa ng naturang estudyante na akuin ang responsibilidad sa kaniyang ginawa, makapagsisi at sa hinaharap ay magawa pang makapag-ambag ng positibo sa bansa.
Kung tatanggihan naman ito ng kaniyang pamilya, wala nang magagawa pa ang PTA kundi ang patalsikin sa asosasyon ang bata.