Kahit bisperas na ng Pasko, marami pa rin ang mga bumibiyahe para magsiuwian sa kani-kanilang mga lugar at doon magdiwang ng Kapaskuhan.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nakalipas na magdamag mula alas 6:00 ng gabi ng Linggo, Dec. 23 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Dec. 24, mayroon pang 84,908 na mga pasaherong bumiyahe sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Kabilang sa nakapagtala ng mga pasahero ang sumusunod na mga pantalan:
– Central Visayas- 21,565
– Southern Tagalog- 14,153
– Western Visayas – 11,807
– Northern Mindanao – 9,858
– South Eastern Mindanao – 7,150
– Eastern Visayas – 6,675
– Bicol – 4,135
– Southern Visayas – 4,075
– Southwestern Mindanao – 2,624
– Palawan – 1,552
– National Capital Region-Central Luzon – 286
Sa ngayon sinabi ng coast guard na nananatiling matiwasay ang sitwasyon sa lahat ng mga pantalan sa bansa.