Sa episode noong Sabado, Dec. 22, sa isang eksena, binanggit na hindi na uso ang Super Junior at BTS na ang “in” na K-pop group.
Habang sinasabi ito ay nagtatawanan pa ang character nina Michelle Vito, Katrina Legaspi at Miles Ocampo.
Sa post sa kanilang Facebook page, humingi ng paumanhin ang Home Sweetie Home sa mga na-offend na fans.
Nakasaad sa FB post na inirerespeto nila ang SuJu at kinikilala ito bilang isa sa mga grupong sumikat sa KPop Revolution at hinangaan sa Pilipinas.
Ang layon umano sana ng eksena ay ang i-establish ang seniority ng grupo at aminadong dapat ay gumamit sila ng mas nararapat na termino para sa eksena.
Umani ng batikos sa Filipino fans ang nasabing eksena sa sitcom at isa sa nagpahayag ng pagkadismaya ay si Happee Sy ng Pulp Live World – ang concert promoter na nagdala sa Super Junior sa Pilipinas kamakailan.