Posibilidad na dalhin sa Batasang Pambansa ang mga labi ni Ako Bicol Rep. Batocabe inaayos na

Inaasikaso na ng liderato ng Kamara ang posibilidad na pagdadala ng labi ng pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa Batasang Pambansa.

Ayon sa tanggapan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ang lider mismo ang Mababang Kapulungan ang nangunguna para sa special arrangement.

Kahapon, bumisita na ang lider ng Kamara sa labi ni Batocabe kung saan kanyang kinondena ang pagpatay sa kasamahan.

Nay nakatakda nang memorial service para kay Batocabe ang Kamara sa January 14 ng susunod na taon.

Nanatili namang nakalagak sa Arcilla Hall nh Bicol University, Daraga, Albay at itinakda ang paghahatid dito sa huling hantungan sa December 31, sa Daraga, Albay.

Si Batocabe ay nasa ikatlong termino na bilang kinatawan ng Ako Bicol Partylist at tumatakbo bilang alkalde ng Daraga.

Nagtapos siya ng Economics, Bachelor of Laws at Masters in Public Administration sa University of the Philippines Diliman.

Siya ay vice chairman ng House committees on dangerous drugs, good government and public accountability at natural resources.

 

Read more...