Katarungan para kay Batocabe tiniyak ng Malakanyang

Full hand of the law.

Ito ang tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar titiyakin ng Malakanyang na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Batocabe.

Ayon kay Andanar, kumikilos na ang Department of Justice at ang National Bureau of Investigation kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Batocabe.

Nakikiramay aniya ang buong pamahalaan sa pamilya ni Batocabe.

Ayon kay Andanar, nakatakda sana silang magkita ni Batocabe at iba pang Partylist Representative pagkatapos ng Holiday seasons para pag-usapan ang ilang mga issues na isinusulong ng Duterte administration.

Read more...