Tonga niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Tonga, Lunes ng umaga.

Ayon sa US Geological Survey, naganap ang lindol sa 94 kilometers mula sa Houma, Tonga.

Naitala ang lindol alas 8:40 ng gabi ng Dec. 23 oras doon, alas 7:08 naman ng umaga ngayong Lunes, Dec. 24 oras sa Pilipinas.

Naramdaman din ang pagyanig sa Fiji at Niue.

Inaalam pa kung nagdulot ng pinsala ang nasabing lindol.

Read more...