Bangkay ng lalaki natagpuan sa gilid ng kalsada sa Iloilo

Nagjo-jogging lamang ang isang babae nang magulat ito sa nakitang bangkay ng lalaki sa tabi ng kalsada sa Barangay Pakiad, Oton, Iloilo, Linggo ng umaga.

Ayon sa mga otoridad, nahirapan silang kilalanin ang biktima dahil nakabalot ng masking tape ang kanyang mukha.

Bukod dito ay nakagapos din ang kanyang mga kamay at paa.

Sa kaparehong araw ay lumapit naman sa mga otoridad ang isang tao at sinabing nawawala ang kanyang kapatid.

Nang ipakita ang bangkay ay positibo nitong kinilala ang kapatid na si John Roe Gregori mula sa bayan ng Jaro.

Hindi pa batid ng mga pulis ang motibo sa krimen, ngunit mayroon umanong posibilidad na biktima ito ng summary execution.

Ayon pa sa mga otoridad, mayroong posibilidad na si Gregori ay kamag-anak ng napaslang na drug lord na si Richard Prevenido na mula naman ng Iloilo City.

Read more...