Truck ng PNP ipinahiram sa cast ng pelikula ni Coco Martin at Vic Sotto

INSTAGRAM: cocomartin_ph

Hindi hadlang sa cast ng “Jak Em Popoy: The Puliscredibles” ang pagkabalahaw ng kanilang float para sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars kahapon.

Ito ay dahil ipinahiram ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang truck upang makasakay at makapagparada ang mga cast, kabilang sina Maine Mendoza at Vic Sotto.

Samantala, si Coco Martin naman ay ginamit ang kanyang sariling sasakyan para sa parada.

Dahil sa patuloy na pag-ulan kahapon ay anim sa mga walong float ng MMFF ang nabalahaw, dahilan para ma-delay ang kanilang pag-iikot sa Parañaque City.

Kabilang dito ang float “Jak Em Popoy: The Pulis Credibles,” “Mary, Marry Me,” “Aurora,” “OTLUM,” “One Great Love,” at “Rainbow’s Sunset.”

Maging si Jericho Rosales ay nabiktima ng matinding trapiko dulot pa rin ng pag-ulan. Kwento ng “The Girl In The Orange Dress” actor, nilakad niya ang SLEX para lamang makaabot sa pagsisimula ng parada.

Read more...