Sa pagpasok ng unang araw ng 2019 ay mayroon nang bagong defense secretary ang Estados Unidos.
Papalitan ni Deputy Secretary Patrick Shanahan ang kasalukuyang defense secretary ng bansa na si Jim Mattis. Ito ay matapos magbitiw ni Mattis sa pwesto dahil sa policy differences niya kay US President Donald Trump.
Kamakailan lamang ay tinutulan ni Mattis ang utos ni Trump na pagpapauwi sa nasa 2,000 mga Amerikanong sundalo mula sa Syria.
Bagaman sinabi ni Mattis na handa siyang manatili sa pwesto sa loob ng dalawa pang buwan habang naghahanap si Trump ng papalit sa kanya ay agad idineklara ng presidente ang paghalili ni Shanahan.
Inanunsyo ni Trump ang naturang appointment sa pamamagitan ng isang tweet, kung saan tinawag niyang ‘very talented’ si Shanahan.