Niyanig ng isang magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Mercedes, sa lalawigan ng Eastern Samar.
Naganap ang pagyanig kaninang ala-1:19 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, partikular na naitala ang episentro ng lindol sa layong 79 kilometro, hilagang-silangan ng Mercedes.
May lalim itong 16 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, wala namang inaasahang idudulot na anumang aftershocks o pagkasira sa mga ari-arian ang naganap na lindol.
MOST READ
LATEST STORIES