Basurero at rider sugatan sa aksidente sa Quezon City

Contributed photo

Dalawa ang sugatan matapos magkaroon ng aksidente sa kahabaan ng EDSA sa bahagi ng Quezon Avenue.

Nagtamo ng sugat sa ulo ang mangangalakal ng basura, habang galos naman ang tinamo ng isang motorcycle rider.

Kwento ng rider, nanggaling siya sa isang Christmas party at papauwi na at nasa gitnang lane ng EDSA nang biglang tumawid ang basurero. Sinubukan niya aniyang iwasan ito kaya napunta siya sa innermost lane ng highway.

Doon na umano nagpagulong-gulong ang basurero, habang ang motorsiklo naman ay aksidenteng nabangga ng paparating na sasakyan.

Iginiit ng rider na hindi niya nasalpok ang basurero, bagaman mayroong yupi ang harapang bahagi ng kanyang motor.

Kapwa hawak na ng mga otoridad ang rider at driver upang imbestigahan ang aksidente, habang isinugod naman sa ospital ang sugatang basurero.

Read more...