LOOK: Isang pampasaherong bus sa Cavite, tumaob

Photo credit: Jed Gueco’s Facebook account

Tumaob ang isang pampasaherong bus sa Aguinaldo highway sa Dasmariñas, Cavite Linggo ng hapon.

Ayon kay Cavite police director Sr. Supt. William Segun, may sakay na 60 pasahero ang bus nang tumaob ito matapos bumangga sa center island sa bahagi ng Aguinaldo highway,

Patungo sana ang bus sa Tagaytay City nang mangyari ang aksidente sa Barangay Sampaloc 1 bandang 2:30 ng hapon.

Dagdag pa ni Segun, nagpreno ang Kersteen bus driver na si Guillermo Caymo, 42-anyos, nang biglang lumihis ito dahilan para mabangga ang mga street light at center island.

Inabisuhan ng Road Safety Division ng pamahalaang lokal ng Cavite ang mga motorista bunsod ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Wala namang napaulat na nasawi sa aksidente ngunit sinabi ng pulisya na nagtamo ng minor injuries ang ilang pasahero.

Read more...