Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe.
Ayon kay Justice spokesperson Undersecretary Markk Perete, ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI na makiisa sa isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ng DOJ na magkakasa ng malalimang imbestigasyon ang NBI katuwang ang PNP.
Dagdag pa ng kagawaran, agad maglalabas ng update anumang lumabas na resulta sa imbestigasyon.
MOST READ
LATEST STORIES