Walang apektadong Pinoy sa tsunami sa Indonesia – DFA

Walang napaulat na nasawi o nasugatang Pilipino sa tumamang volcanic tsunami sa Indonesia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, sinabi ng National Disaster Management Authority na walang naapektuhan sa 220 na Pilipino sa tumamang tsunami sa Lampung at Banten.

Dagdag pa ng kagawaran, patuloy na nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga miyembro ng Filipino community sa Banten.

Sa ngayon, pumalo na sa 168 katao ang namatay habang 584 naman ang sugatan sa insidente.

Ayon sa mga otoridad, 20 katao naman ang napaulat na nawawala sa tatlong rehiyon sa naturang bansa.

Read more...