Davao del Norte, niyanig ng lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Davao del Norte, Linggo ng hapon.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers Southeast sa Panabo City dakong 2:12 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...