Ayon sa Department of Health (DOH), ang naturang bilang ay mula December 21 hanggang 6:00 ng umaga, December 23, 2018.
Kabilang sa mga nasugatan ang mga batang lalaki na may edad 6 hanggang 12 taong gulang.
Isa sa mga biktima ay kinakailangang maputulan ng gitnang daliri habang ang isa ay tinamaan sa mata.
Ayon sa DOH, pangunahing sanhi ng pagkasugat ng mga biktima ang paggamit ng boga, kwitis, five star at camara.
Nabatid na noong 2017, 440 na kaso ng mga nasabugan ng paputok ang naitala habang noong 2016 ay nasa 600 katao ang naputukan.
MOST READ
LATEST STORIES