2 sugatan sa sunog sa public market sa Bulacan

Sugatan ang dalawang katao sa sumiklab na sunog sa isang public market sa Sta. Maria, Bulacan Linggo ng umaga.

Ayon kay Fire Officer 1 Rizza Soria mula sa Bureau of Fire and Protection (BFP) Region III, pitong fruit stalls ang nasunog sa M. Poblacion Market.

Nagtamo ng minor injuries sa likurang bahagi ng kanilang katawan sina Rosita Flores, 75-anyos, at Arnel Esteban, 53-anyos.

Ani Soria, nagsimula ang sunog bandang 2:40 ng madaling-araw at idineklarang fire out dakong 3:21 ng madaling-araw.

Umabot ang sunog sa unang alarma.

Tinatayang P250,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa sunod.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog.

Read more...