NCRPO, SPD nagsagawa ng inspeksyon sa NAIA at ruta ng MMFF parade

SPD photo

Dalawang araw bago ang Pasko, nagsagawa ng inspeksyon ang ilang opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para ngayong holiday season.

Magkasamang inikot ng mga opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD) ang naturang paliparan.

Ito ay para matiyak ang maayos na operasyon at seguridad sa lugar.

Maliban dito, sinuri rin nina NCRPO chief Police Director Guillermo Eleazar at SPD Director Police Supt. Eliseo Cruz ang mga kalsada sa Parañaque City kung saan idaraos ang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars, Linggo ng hapon.

Read more...