Nicanor Faeldon Jr., pinalaya na

 

Photo: Police Regional Office – 5

Pinalaya na ng mga pulis si Nicanor Faeldon Jr., ang anak ni Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Police Chief Arnel Escobal, Police Regional Office 5 o PRO 5 regional director, pinakawalan si Faeldon Jr. noong Biyernes (December 21) makaraang ibasura ng piskal ang kasong “visitor of a drug den” na isinampa laban sa kanya.

Matatandaan na naaresto si Faeldon Jr. sa bahay ng tatay ng kasintahan nito sa Naga City, na isang umanong drug den.

Pero ayon sa resolusyon ng piskal, kulang ang ebidensya para patunayan na isang drug den ang bahay kung saan nahuli si Faeldon Jr.

Nauna nang ring nagnegatibo sa drug test si Faeldon Jr.

Bukod naman sa nakababatang Faeldon, nakalabas na rin ng kulungan sina Manuel Niebres at Allan Valdez, na arestado rin sa drug den.

Gayunman, ang mismong may-ari ng bahay at tatay ng kasintahan ni Faeldon Jr. na si Russel Lanuzo ay hindi lusot sa kasong possession of illegal drugs.

 

 

Read more...