Nasawi si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe sa mismong araw ng wedding anniversary nila ng asawang si Gerti Duran-Batocabe.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Ginang Batocabe na dapat sana’y susunduin siya ng kanyang mister dakong alas-kwatro ng hapon ng Sabado (December 22).
Naghintay umano siya hanggang sa makatanggap ng isang tawag, hinggil sa pamamaril sa kanyang asawa.
Tinambangan ng mga suspek na nakasakay na motorsiklo si Batocabe, kasama ang kanyang police escort, matapos ang isang gift-giving event sa Barangay Burgos.
Sa hiwalay na post, mistulang may pinaringgan si Ginang Batocabe, kaugnay sa pagkamatay ng mambabatas.
Aniya, “You know so well we’re winning the race. You coward just had to take him out.”
Si Batocabe ay matatandaang naghain ng kanyang kandidatura para sa pagka-alkalde sa Daraga sa 2019 midterm elections.