Sa 4am weather update ng PAGASA, ang binabantayang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 165 kilometro Hilagang-Silangan ng Surigao.
Ngayong araw dahil sa epekto ng LPA, makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region at buong Visayas.
Sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON at Metro Manila ay maulap pa rin ang kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil pa rin sa Amihan.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon at buong Mindanao ay maalinsangan at maganda ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot na localized thunderstorms.
Walang nakataas na gale warning sa anumang baybaying dagat ng bansa sa kasalukuyan.
Samantala, isa pang LPA ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngunit wala pa ring direktang epekto sa bansa sa ngayon.