Pangulong Duterte inutusan ang militar na wasakin ang NPA

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na wasakin ang New People’s Army (NPA).

Sa talumpati ng pangulo sa Compostela Valley, iginiit nito na hindi siya kakagat sa holiday ceasefire ng mga komunista.

Matatandaang nagdeklara ng limang araw na holiday ceasefire ang Communist Party of the Philippines (CPP) habang inanunsyo naman ng Malacañang na hindi ito susundan ng gobyerno.

Pagdidiin ni Duterte, huwag lang bastang lumaban kundi wasakin ang NPA maging ang kanilang legal fronts at mga kagamitan.

Sa isang talumpati sa Davao City noong December 19, sinabi ng presidente na hindi dapat kaawaan ang mga rebelde na anya’y malulupit at mga brutal.

Read more...