Ayon kay Gatchalian, mas maiging makipag-ugnayan na ang ahensya sa mga malls sa Metro Manila hinggil dito dahil paniguradong maraming tao ang magna-nais lumabas at pumunta sa mga malls sa panahong ito.
Ito ay dahil idineklarang holiday ang mga araw ng APEC summit, at kakasweldo lamang ng karamihan sa mga empleyado, kaya tiyak na maraming mamimili ang susuungin pa rin ang EDSA.
Sa ganitong paraan ani Gatchalian, mas makakasiguro ang MMDA ng mas magaan na daloy ng trapiko sa mga pangunahing daan na babagtasin ng mga APEC delegates.
Nauna nang pinayuhan ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang publiko na mamasyal na lamang sa labas ng Metro Manila sa panahon ng APEC upang maiwasan ang trapiko.
Ngunit, iginiit naman ni Gatchalian na hindi ito praktikal at opsyon sa karamihang dalawang araw lang naman ang matatamasang bakasyon.