Halos dalawang araw matapos ang Paris attack, nagtipon-tipon sina US President Barack Obama, Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin pati na ang iba pang mga lider sa Turkey para sa G-29 summit.
Nagkasundo ang mga nasabing lider na makiisa sa France at mas paiigtingin ang kani-kanilang mga border controls at aviation security.
Una nang nangako si French President Francois Hollande na mangunguna ng “merciless” war laban sa Islamic State group na umako sa karumal-dumal na pag-atakeng kumitil ng 129 na buhay at ikinasugat ng 352 na iba pa.
Bukod sa world leaders, maraming bansa ang nakiramay sa France sa pamamagitan ng kani-kanilang tribute tulad ng pagaalay ng mga bulaklak at kandila para sa mga namatay, pag-awit at pagpapatugtog ng mga classic French songs at ang pagpapa-ilaw ng mga sikat na lugar na may kulay na red white and blue, na siyang kulay ng watawat ng France.