Ito ay matapos ang pamamaslang kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe kahapon sa Daraga.
Sinabi ni Binay na dapat ideklara ang Albay bilang election hotspot upang matiyak ang kaligtasan ng mga Bicolano sa May 2019 midterm elections.
Iginiit ng senadora na sa mga nakalipas na mga buwan ay tumaas ang election-related killings sa bansa.
Kung hindi anya magiging seryoso ang gobyerno na harapin ang mga kasong ito ay walang hustisya na maibibigay sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
Huling termino na ni Batocabe sa pagka-kongresista at nakatakda sanang tumakbo sa pagka-alkalde sa darating na eleksyon.
Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, si Batocabe ang nangungunang mayoralty candidate sa Daraga dahil ito lamang ang pureblooded Daraganon.