Special Investigation Task Group binuo ng PNP para sa pamamaslang kay Batocabe

Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng isang Special Investigation Task Group (SITG) para mapabilis ang pagresolba sa pamamaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na gagawin ng binuong probe body ang lahat para maibigay ang hustisya para sa mambabatas, kay SPO1 Rolando Diaz at kanilang mga pamilya.

Ani Albayalde, mariing kinokondena ng PNP ang insidente.

Gayundin ay ipinaabot ng PNP Chief ang pakikiramay sa naiwang pamilya ng mambabatas at ng pulis.

Umapela naman si Albayalde sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa imbestigasyon lalo na sa pagbibigay impormasyon tungkol sa mga salarin.

Nauna nang tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na pananagutin ang nasa likod ng walang habas na pamamaslang sa mambabatas.

Read more...