Kampo ni Adrien Broner alam na ang kahinaan ni Pacquiao

AP Photo

Naniniwala ang kampo ng boksingerong si Adrien Broner na alam na nila ang kahinaan ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao.

Nakatakdang magsagupaan sa ring ang dalawa sa January 19, 2019 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa isang article sa Boxingscene.com, sinabi ni Kevin Cunningham, trainer ni Broner, na masusi nilang pinag-aralan ang lahat ng footages ng mga laban ni Pacquiao.

Dito nila napagtanto na tila iisa lamang ang istilo ng Pinoy champ sa kanyang mga laban.

Kumpyansa si Cunningham na magiging matagumpay si Broner sa pagsasakatuparan ng kanilang mga plano lalo’t mahusay ito sa training sa ngayon.

Samantala, sa isang panayam sinabi naman ni Pacquiao na nagsimula na ang kanyang week-long preparation para sa kanyang training sa US.

Kailangan anya niyang mag-acclimatize dahil iba ang klima sa naturang bansa.

Kasama ang kanyang grupo na pinamumunuan ni Buboy Fernandez, nakatakda nang ipagdiwang ni Pacquiao at ng kanyang pamilya ang Pasko sa US.

Read more...