Sa kanyang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na buti naman at naunawaan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ang posisyon ng pangulo sa isyu.
Nauna dito ay tinawag ni Andaya na out of touch sa isyu ng Road Board sina Panelo at Budget Sec. Benjamin Diokno.
Sinabi pa ni Andaya na hindi gusto ng pangulo ang pagbuwag sa ahensya base sa kanilang pag-uusap.
Kahapon ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na baka hindi siya naintintihan ni Andaya na gusto na niyang lusawin ang Road Board dahil pinagmumulan lamang ito ng kurapsyon lalo na sa hatian sa Road User’s Tax.
Kanina ay kumambyo ng pahayag si Andaya bagay na tinanggap naman ng Malacañang.
Ayon kay Panelo, “Cong. Andaya is finally in touch with reality contrary to his claim that Sec. Diokno and I were out of touch with the President in the matter of the latter’s position on the road users’ tax and abolition of Road Board. We are pleased to know that the House of Representatives has listened to the voice of the people who have long been outraged by the corruption surrounding the use of the said tax”.
Kamakailan ay lumabas sa ulat ng Commission on Audit ang pangalan ng ilang mga kongresista at senador na umano’y humihingi ng pondo sa Road Board para sa kani-kanilang proyekto.